Mga Sagot sa gabay na katanungan :

  1. Maaaring makatotohanan ang istorya, ngunit sa sayantpikong pagtingin wala pa namang nakapagpapatunay na ang isang bagay na may buhay, kung mamatay ay pwede pang buhayin muli. Ngunit para sa iba na nagsasabi na totoong may mga ganitong pangyayari o milagro kung ito ay tawagin, malaki ang posibilidad na maaring makatotohan ang ibang mga bagay na hindi maipaliwanag.
  2. Opo, bawat pagarte ng mga kalahok na mga artista ay nakapagbibigay ng hustisya para sa kanilang ginagampanang tungkulin.Bawat isa ay nagtataglay ng kakaibang galling sa pagganap sa pelikula.
  3. Sa bahaging si Jhong Hilario na siDario sa pelikula ay nababaliw na dahil siya ay sinapian ng isang masamang esperitu nagawa niyang makatotohanan o magampanan niya ng parang nakakatakot ang kanyang pagarte , kaya para sa akin naging madula ang nagampanan ni Jhong Hilario.
  4. Ang paglapat ng mga ilaw, tunog at kasuotan ay nakapagdadagdag sa man ikagaganda pa ng pelikula dahil mas maayos na nailalahad ang bawat mensaheng nais maipahatid ng mga actor , gamit din ang cinematograpiyang ito mas gumanda ang biswal na epekto sa mga mata ng manunuod dahil sa napakagandang mga angulo at perpektong paglapat ng mga ilaw sa bawat kabanata ng istorya.
  5. Para sa akin ang aspektong cinematograpo ay medyo napabayaan, dahil may mga parting medyo may kadiliman at nagmukhang makaluma ang ibang bahagi  dahil sa hindi naging malinis ang pagkakakuha ng ilang kabanata.
  6. Opo, dahil lahat naman ay maayos na nailahad maayos na naipakita ang problema sa pelikula at madaling naintindihan ang kwento kaya pati mga ordinaryong tao ay madaling makukuha ang tunay na mensahe ng pelikula.

The Healing 2012 (sinuri ni Kyle Aninang)

  1. Pamagat : The Healing

                     Pelikula ni Chito S. Rono

  1. Mga Tauhan:
  2. Vilma Santos- gumanap bilang si Seth, ang susi sa mga pangyayari
  3. Martin del Rosario- gumanap bilang si Jed, ang anak ni Seth
  4. Kim Chiu- gumanap bilang si Cookie, may sakit na kapatid ni Jed na nagpafaith healing
  5. Daria Ramirez- gumanap bilang si Manang Elsa, ang manggagamot o faith healer
  6. Jhong Hilario- gumanap bilang si Dario, ang taong binuhay ni Manang Elsa
  7. Janice de Belen- gumanap bilang si Cita, ina ng batang nagpafaith healing
  8. Pokwang- gumanap bilang si Alma, nagka-sakit sa paa at faith healing din
  9. Joel Torre- gumanap bilang si Melchor, ang kapatid ni Manang Elsa at katulong sa panggagamot
  • Kwento

Ang “ The Healing ay isang istorya ng Pilipinong Tradisyon na kung saan ipinapakita ang labis na paglapit ng mga taong may sakit sa ibat-ibang pamamaraan upang gumaling lamang.Sa kwento, isang balita ang kumalat na may isang milagrosong babae na nanggagamot ng kahit anong sakit. Dinarayo siya dahil sa hindi mabilang na mga taong gumaling sa kanyang panggagamot kabilang na ditto ang ama ni Seth ( Vilma Santos), kaya ang kanyang mga kaibigan ay nagpatulong upang magpa gamot. Ngunit matapos na sila ay magamot, naging kabayaran naman nito ang kanilang buong buhay.

Sa huli ay natapos lamang ang sunod-sunod na patayan dahil sa pagkakamatay ng taong hindi na dapat binuhay pa ng faith healer na si Manang Elsa.

 

  1. Banghay ng Kwento

Sa simula ng kwento ay bantag na faith healer ang babaeng si Manang Elsa, kilala siya bilang isang milagrosong babae na kayang pagalingin ang ibat-ibang taong may sakit kaya naman dinarayo siya ng mga taong galing pa sa malalayong lugar. Si Seth, may amang na stroke at hindi na makatayo, dinala ni Seth ang kanyang ama kay Manang Elsa at himala namang gumaling ito. Dahil sa pangyayaring ito, sumama ang mga kaibigan ni Seth sa kanya upang magpafaith healing din kasama si Cookie na kapatid ni Jed sa ama. Dahil sa pananampalataya ay agarang gumaling ang mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari at sa hindi malamang dahilan ay biglang nagiba ang kanilang mga ugali, isa-isa silang nagpapakamatay at pumapatay ng ibang tao.Dahil sa tuloy-tuloy na mga pangyayaring ito minabuti ni Seth n pumunta kay Manang Elsa, doon niya nalaman na patay na pala ito, siya ay pinatay ni Dario, ang taong binuhay ni Manang Elsa. Si Dario ay sinasabing kinuha nang Dyablo dahil hindi na dapat siya mabuhay kaya ang bawat buhay na kanyang nakukuha ay inaalay niya sa Dyablo.Natigil lamang ang sumpa ng si Cookie, ay binantayan nina Jed at Seth ng magdamagan upang hindi siya malapitan ng kanyang Dople Ganger. Hanggang sa sumapit ang kaarawan ni Seth, doon na sila nagharap ng Dople Ganger ni Cookie, ngunit naman pigilan naman kaagad dahil pinatay ni Melchor si Dario sa loob ng piitan niya. Doon lamang natigil ang sumpa at doon nagtapos ang kuwento.

 

  1. Paksa/Tema

Maraming bagay sa mundo ang hindi kayang  maipaliwanag ng simpleng siyensya kaya dapat tayo ay mas maging mapanuri sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paligid. Kailangan din nating manalig sa ating panginoon sa araw-araw dahil siya lang ang nakaka-alam ng lahat ng mga pangyayari at mga mangyayari pa lamang sa ating buhay. Mas maganda rin kung marunong tayong rumespeto sa lahat ng ating mga nakakasalamuha sa pangaraw-araw nating pamumuhay dahil lahat ay  may importansya sa paningin ng diyos

 

  1. Cinematograpo

Magaling ang pagkaka-gawa ng pelikulang  “The Healing”. Nailalahad sa pelikulang ito ang pagiging natural ng mga gumanap na actor sa pagbibigay ng hustisya sa kanilang ginagampanang parte sa ikagaganda ng pelikula. Ngunit sa pangkalahatan hindi naging maganda ang paglapat ng mga ilaw, dahil nagmukhang luma ang pelikula sa iba nitong parte, hindi rin naging malinaw ang ibang tunog dahil sa may mga kahinaan ito. Nabawi naman ito sa magandang pagkaka-arte ng mga actor ang buong istorya kaya nagawang maging kagulat-gulat at nakakatakot ang pelikula.

 

  • Mensahe

Maging bukas sa mga bagong ideya na maaring kaharapin sa pangaraw-araw,hindi lahat ng bagay ay naipapaliwanag ng siyensya kaya dapat respetuhin natin ang mga bagong kaalaman na maari nating matuklasan sa ating paglalakbay sa landas ng buhay.

 

  • Rekomendasyon at Konklusyon

Ang pelikulang ito ay naglalahad sa mga manonood ng ibat-ibang mensahe na maaring matutuhan sa panonood nito, nakakapaghahatid pa ito  ng kakaibang katatakutan at kababalaghan na hindi malayong mangyari sa totoong buhay. Kaya sa kabuuan inererekomenda ko ito sa ibang mga manonood dahil maraming makukuha sa simpleng panonood ng pelikulang ito.